Si Kimmy ang panganay. Ambisiyosa, maabilidad at dominante. Hard-working si Kimmy, at ramdam yan sa Go Dong Hae Group of Companies. Kaya lang, may ugali. Maldita, hindi tuloy ganun kalapit sa kanyang papa. ‘Di gaya ni Dora.
Si Dora, maaaring hawig ni Kimmy sa hitsura (kambal nga diba?). But that’s where their similarities end. Dahil kung anong ikinataray ni Kimmy, siya namang ikinasweet ni Dora. Kimmy is driven, sandamakmak ang accomplishments in life at katakot-takot ang pagka-smart. Samantalang si Dora… well… hindi siya ganun ka-smart. Ubod ng inosente, happy-go-lucky at madaling magtiwala sa tao. Walang sumiseryoso sa kanya, though everyone likes her more than her twin sister. Kimmy may be extraordinary, pero walang dudang special din si Dora… very special indeed.
Labis ang pagmamahal ni Luisito kay Dora. Okay na lang sana yun kay Kimmy, pero pati si Johnson – and lalaking matagal na niyang pinagpapantasyahan (to the max) – kay Dora nahuhumaling! At kahit ano pang effort ang gawin ni Kimmy para siya’y mapansin, wa’ epek… dahil Johnson’s heart belongs to none other than...Dora.
To add insult to injury, ginawa pang tagapagmana ng Go Dong Hae empire si Dora matapos mapilitang mag-early retirement ang kanilang ama! First her father, then her fantasy lover, now this business matter??? Eh di abot langit na ang bwisit ni Kimmy kay Dora!
Naku! Trouble ito! Sa galit, Kimmy starts making arrangements para once and for all mawala na sa buhay niya si Dora! No more Dora, no more problem! Goons are hired to kidnap Dora -- but NO! Nang si Kimmy ay mapagkamalang si Dora, imbis na si Dora, nakidnap si Kimmy kaya ngayon si Kimmy ang nasa pwesto ni Dora, at si Dora kailangang maging si Kimmy! Teka! Again, again, again... Ano daw?!
Mula sa panulat ni Chris Martinez at sa direksyon ni Bb. Joyce Bernal, with the special participation of heartthrobs Dingdong Dantes and Zanjoe Marudo, kasama sina Miriam Quiambao, Baron Geisler, Ariel Ureta at marami pang iba!
Ipinagmamalaking ihandog ng Spring Films in her first – and second – starring roles, Eugene Domingo as Kimmy… and Eugene Domingo as Dora.
Sundan ang riot ng magkapatid, sa Kimmy Dora!
=====================================================================================
Sabado. Dumalo kami sa binyagan at birthdayan ng anak ni Sir Rico sa Aristocrat-Malate. Pagkatapos sumabay kami kina Ma'am Tina papauntang SM Mall of Asia. Habang papunta kami don, napagkasunduan namin nina Jen at Grace P. na manuod ng KimmyDora. Pagpunta namin sa Cinema Premier ng SM-MOA nakita namin na mahaba ang pila sa sinehan sa Kimmydora. Pero hindi namin inantala ang haba ng pila basta ang importante mapanuod namin siya. Nagstart ang palabas mga 3:00 pasado na.
Wala kaming ginawa kundi tumawa ng tumawa. Heto ang mga linyang binitawan ng magkapatid na Kimmy at Dora:
"Bakit mo ako pinapausukan? Ano akala mo sakin... SALMON? " - KIMMY to albularyo
"You can take the dog out of the squatters... but you can never take the squatters out of the dog!" - Kimmy to mikky the dog
"Elena! Kunin ang cheque book! Bilhin mo yang bus!" - KIMMY
"Ang askal ginawa para magbantay ng bahay! hindi ng opisina!" - KIMMY to DORA
"Do you work here? You're fired!.... YOU ARE SOOOO FIRED!!!" - KIMMY
"inumin mo yan, Dahon lang yan ng bayabas.... na nilaga sa semilya ng batang kambing". - albularyo to KIMMY
"Ang bobo pagsuotin mo man ng blazer, bobo pa rin!" - Kimmy to DORA
Magandang pangtanggal ng stress at kahit papaano makakalimuta mo ang mga problema mo. Pagkatapos ng movie, hindi ko akalain na mahaba pa rin ang pila sa labas.
Sa mga hindi pa nakakapanuod. Manuod na kayo!!!
Sunday, September 13, 2009
[Movies] Kimmydora: Kambal sa kiyeme
Sunday, September 6, 2009
Samsung Star S5230 vs Samsung Preston S5600 or Samsung Jet
Samsung Star S5230 vs Samsung Preston S5600 or Samsung Jet
The samsung star 5230 features 2.5G, while the samsung Preston s5600 features 3GBoth the device use samsung;s own Ystem- that is TouchWiz UI.As to display, S5230 equips with 3.0 size display-WQVGA, S5600 comes with 2.8-inch QVGA panelBoth device comes the same 3.2MP camera which is capable of recording QVGA resolution video at up to 15fps.
Any advice which one do you prefer? Hindi nagkakalayo ang price nila pero mas mura lang si STAR ng couple of hundred bucks.Calling all SAMSUNG user.Isa pang pinagkaiba ng STAR at PRESTON ay may STYLUS ang Star compare sa Preston wala.
How about SAMSUNG JET?
The samsung star 5230 features 2.5G, while the samsung Preston s5600 features 3GBoth the device use samsung;s own Ystem- that is TouchWiz UI.As to display, S5230 equips with 3.0 size display-WQVGA, S5600 comes with 2.8-inch QVGA panelBoth device comes the same 3.2MP camera which is capable of recording QVGA resolution video at up to 15fps.
Any advice which one do you prefer? Hindi nagkakalayo ang price nila pero mas mura lang si STAR ng couple of hundred bucks.Calling all SAMSUNG user.Isa pang pinagkaiba ng STAR at PRESTON ay may STYLUS ang Star compare sa Preston wala.
How about SAMSUNG JET?
Subscribe to:
Posts (Atom)