6:00 o'clock in the morning gising na ako because I'm so very excited sa Enchanted Kingdom namin (with Fuzion HQ personnel namely: Jennelyn Yang, Cathy Mariano, Christian and Grace Talosig with their daughter and pamangkin, Ma'am Jen Mariazeta and her husband Raineir) sayang hindi nakasama sina Ma'am Tina Delleva (renovation ng house nila kaya nagpipintura siya!! Oppss...Naku! Lalong lalaki ang braso niyo nyan Ma'am!), Joan Manzano (nasa Baguio with her family), Grace Penetrante (may sick), Peter Causon (may kinakabayong Carousel) at Irish Lacdao (may family reunion). Well, what else I can say sa mga hindi nakasama sa amin...."You missed 200% of your lifetime with us".
Dumating ako sa Raffles Corporate Center ng 7:30. OMG! Hindi ko namalayan na wala palang pasok ngayon kaya pala walang traffic from Angono, Rizal to Ortigas Center!!! Wakekekekekek!!! Dumaan muna ako sa opis kaso hindi na ako pumasok kasi sobrang dilim at baka makita/marinig ko si MIMI na naglalaro sa loob ng conference room. So kumain muna ako sa KFC habang hinihintay si BUTANDING (Jen Yang). Hanggang sa nagsidatingan na silang lahat. Umalis kami ng Ortigas around 8:30. As usual while on our way to Sta. Rosa, Laguna marami kaming napagkwentuhan syempre hindi ko na ikuwento kung ano-ano iyon.
9:30 nasa Enchanted Kingdom na kami. We don't expect na ganun kadami na ng tao na nakapila sa Ticketing. Buti naman kung dala ko sana ang SunBlock lotion ko! Ang Init sa pila grabe para kang tinutusta na parang barbeque! Isang oras kami bago makakuha ng ticket.
Flying Fiesta ang una naming ride na pinagdiskitahan namin. Ang nakakatuwa nito si Jen Yang hindi makasya sa upuan! wahahahahahah!!! BUTANDING! Mag-diet ka na kasi!Actually nahilo lang ako dito sa ride na ito. Then next ride "Lego Racers" at Rialto.....ewwww!!! ang haba at ang tagal namin sa pila pero hindi ko na-enjoy ang motion simulator ride na ito, ni hindi ko nga magawang tumili!
Kung hindi ko nagawang magtititili sa Rialto sa Anchor's away naman pa-demur ang tili kasi ang daming nananuod sa inyo sa pila. Nahati ang grupo namin sa magkabilaang dulo. Nakakatuwa ang mga itsura namin habang pabalik balik ang Anchor sa magkabilang dulo.
Syempre nagutom na kami sa kakapila at sa kakatili. Sa FoodCourt ang haba pa rin ng pila at walang vacant na table na magamit. We decided na lang sa Amazon Grille kumain (atleast Airconditioned siya). But, take note one hour and in a half ang ipinila namin para makuhanan ng order, makapagbayad at makaupo't makakain ng inorder namin. Sa sobrang gutom 5mins ko lang natapos ang food ko! Ni hindi ko na nalasahan ang kinain ko, basta subo lang ng subo at nguya ng nguya hanggang sa madikhay. Comfort room lang ang walang pila sa Enchanted Kingdom. Ride -all-you-can ang promo nila pero sa sobrang dami ng tao hindi mo na magawang isipin na sakyan lahat ng rides nila kasi sa mauubos ang oras mo sa kakahintay at sa kakapila.
Syempre hindi namin sinayang ang oras diretso kami sa Rio Grande kahit alam namin na mababasa kami. As usual pila ulit ng napakahaba! Sayang at hindi nakahabol si Cathy sa pila kasi umalis siya at may tinawagan. Honga! Bakit mahina ang signal ng Globe sa Rio Grande samantalang ang Suncellular ko nagawa ko pang tawagan si Cathy sa loob ng Rio Grande. Hmm.......Ewan ko basta ang alam ko mababasa kami sa Rio Grande! Sa awa ng Diyos hindi ako nabasa ng todo-todo. Kuwawa naman si Christian, Grace with their pamangkin at Jen, sila ang napagdiskitahan ng tubig at basang basa. Kainis lang si Jen kasi tumabo pa siya ng tubig at isinaboy sa akin kaya ako nabasa! Jen isa kang malaking PIG!!! Kung sa Anchor's Away hindi ako makatili ng todo, dito sa Rio Grande to the max ang tili ko. Syempre lahat kami nasa isang boat lang kaya TODO na ito!
Space shuttle na ang isinunod namin. Dahil alam namin sa sobrang haba ng pila kaya iyon ang next target ride namin after Rio Grande. Buti na lang at hindi nakasama si Cathy sa amin kasi siya ang pumili sa Space Shuttle. Habang si Cathy natutusta sa init sa pila papunta Space Shuttle, kami naman basang basa sa Rio Grande!
2 hours ang ipinila nami bago kami nakasakay sa Space Shuttle. Sa una, tawanan lang kami sa mga sumasakay pero nuong oras na namin para kami naman ang sasakay. Dito na namin naramdaman ang pressure. Pero sabi ni butanding (Jen Y)...."I don't feel any pressure right now!". Pero ng tumuntong sa platform ng Space Shuttle bigla niyang nabulalas na "I feel pressure right now!" Si Cathy Mariano ang katabi ko sa cart. Ayoko si Jen Y baka kasi hindi makayanan ng cart ng katabaan niya at biglang bumigay ang cart. Habang inaangat ang cart namin paakyat, hindi ko na maipinta kung ano ang isisigaw ko. Dahil triple loop ang sasagupain namin forward and backward. Napamura na lang ako dito.
Ang nakakatuwa na services ng EK ay ang "BIG SHOT" nila. Sa bawat ride nila may mga camera na kukuhanan ka. Makikita mo na lang ang sarili mo sa computer habang tumitili at nagsisisigaw. Hindi ko ma-take ang picture ko dito kaya hindi na ako nagpa-print. Kung sa mga rides nila hindi ako nasuka baka kapag nakita ko at itsura ko sa picture habang nakasakay sa Space Shuttle, baka dito masuka ako!
Unang punta ko dito sa EK was 1995 pa yata (Field Trip). Syempre, estudyante pa ako that time. Walang budget pambili ng stuffed toy na si Wizard. Ngayon 2008, may budget na ako pambili kay Wizard. 370php ang bili ko at tuwang tuwa na ako. Parang isang pangarap na natupad sa pagkahaba-haba ng panahon na lumipas.
Halakhak, tawanan, tilian na parang wala ng bukas, ang kasiyahan na hindi kailanman mapapantayan ng kahit ano mang bagay. Experience at thrill ang isinukli sa amin ng Enchanted Kingdom. Kahit gaano kahaba at kainit sa pila. Sulit naman kapag naranasan mong sumakay sa mga rides nila. Sayang at hindi na namin nagawang pumasok sa SRRX at sumakay sa Swan Lake, Dodgem, Roller Skater, Up! Up! and away!, Bump and Splash and Wheel of fate sa sobrang haba ng pila at pagod na rin kami.
Kumain kami ng dinner sa Tropical Hut sa Waltermart kasi wala ng makain na matino sa loob ng Enchanted Kingdom. Ultimo Mineral water wala na akong mabili.
Habang papauwi, syempre kwentuhan kung ano anong mga kakatwang nagyari sa amin sa EK. Pero habang binabagtas namin ang South Super highway hindi namin maiwasan na makaramdam ng pagod at antok. Pagkauwi ko sa bahay, pahinga ng konti. Sinilip si Wizard at iyong name plate na pinagawa ko na may logo ng EK. At natulog na rin ng mga 11:30 kasi uuwi pa akin ng Angono, Rizal kinabukasan ng umaga.
Malungkot kasi hindi nakasama ang iba pa namin kasamahan sa trabaho, pero masayang masaya na rin kami kasi maiinggit sila sa mga pictures namin! Hintayin niyo na lang ang pag-upload ko sa mga pictures namin! Buti nga sa inyo!!!
Advance Happy New Year to Everyone!!!
Monday, April 27, 2009
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
Followers
Blog Archive
-
▼
2009
(56)
-
▼
April
(13)
- Outing: Bosay Resort - Antipolo City
- Ang Sa Akin Lang: They love DEADLINEs!!!
- Whatta Fucking LIFE...
- Ang Sa Akin Lang: "When declaring your rights, don...
- 40 Tips for a Better Life in 2009
- Fave quotes from BOB ONG
- Lafanga: Wham Burgers!
- Pink Life!
- Event: BedSpace 2nd Year Anniversary
- My Favorite Smoothie from FUZION
- I got a new Baby!
- SM City - Taytay
- EK Experience 2008
-
▼
April
(13)
No comments:
Post a Comment