Friday, July 3, 2009

Ang Sa Akin Lang: Blessings



Umaga ng Linggo, hindi ako magkandaumaway sa kakaisip kung paano ko aayusin ang mga gamit ko sa room ko. Habang tumatagal, parang sumisikip na ako sa room ko kasi dumadami na ang mga gamit ko. Mas lalo na ngayon nakabili ako ng bagong Samsung na 21" SlimFit TV.

Sa sobrang kakaisip ko, nagyosi muna ako sa malapit na bintana at heto ang nakita ko sa kahabaan ng Aurora Blvd.

Mayron akong nakitang isang matandang lalake na nagaayos ng kanyang mga gamit.

Ang Sa Akin Lang, umagang umaga pa lang ipinakita na sa akin ng Diyos kung gaano ako kapalad at hindi ako ganyan na tulad ng matandang lalake na nasa kalsada na nagaayos ng kanyang mga gamit.

Ang Sa Akin Lang, kung ako sawang sawa na sa mga mp3 ko sa ipod; itong matandang lalake ang kanyang musika ay ang inggay ng tambutso ng mga dumadaan na sasakyan sa kalye.

Ang Sa Akin Lang, kung ako hindi magkandaumaway sa kakaayos sa mga gamit ko sa maliit na kwarto; itong matandang ito hindi magkandaumaway sa kakaayos ng mga gamit sa kahabaan ng kalsada.

Ang Sa Akin Lang, kung mayron na akong bagong TV na pagpapanuoran at hindi malaman kung anong channel ang papanuorin; itong matandang ito hindi nagsasawa sa kakapanuod sa mga magagarang sasakyan, jeepney at mga taong nagdadaan sa kalsada.

Kahit gaano kabigat ang problema na ibinibigay sa akin ng Diyos, mapalad pa rin ako sa kadahilanan na natutulog pa rin ako sa malambot na kama na may nakabukas na telebisyon;

Kahit gaano kadami ang problema ko sa buhay, mapalad pa rin ako dahil pwede ko munang kalimutan ito pansamantala at makinig sa mga mp3 ko sa ipod;

Kahit gaano kapagod ang mga ginagawa ko araw-araw, mapalad pa rin ako at sa paguwi ko may masarap akong makakain.

Salamat sa Diyos sa mga pagsubok na ibinibigay niya sa akin;
Salamat sa Diyos sa mga biyaya na ibinibigay niya sa akin;
Salamat at paggising ko sa umaga nalaman ko na mahal pala ako ng Diyos.
Kahit gaano kadami ang problema natin, matuto tayong magpasalamat sa lahat ng mga biyaya na ibinibigay sa atin.

No comments:

Post a Comment

Followers