THE BASAAN FESTIVAL
San Juan municipal celebrate saint Jhon the Baptist by Municipal officials will assemble at the Pinaglabanan Shrine and board respective fire trucks and go around the town spraying water on San JuaneƱos on the road. people getting everyone in the streets wet with water (as is done in baptism). For the basaan tradition and a re-enactment of the baptism with an ilang-ilang scented water is used. Thus, it resulted into a free-for-all water fight with the residents and the people passing the city. Baptist held every 24th of June. dont worry the water is clean and the basaan will last until 12noon of that day.Source: http://members.virtualtourist.com/m/e36cc/151a9b/
====================================================================
Nag-set ako ng alarm para magising ng maaga. Sa kadahilanan, Araw ng San Juan ngayon (June 24). Sa pagkakaalam ko simula ng parada ay alas syete ng umaga hanggang alas dose ng tanghali. Nagulantang ako kanina mga bandang 5:00 ng umaga dahil nakarinig ako ng malakas na tambol at sigawan ng mga tao sa labas.
Nagulat ako at alas singko pa lang ng umaga may mga tambay na sa kanto na naghahagis ng tubig sa loob ng mga jeep na dumadaan sa harapan nila. Kaawa awang mga pasahero!!! Tsk! Tsk!! Ano kaya ang amoy nila pagdating sa kanilang opisina....hmmm....hulaan ko amoy imburnal!!!
Masaya kung titignan pero ang nakakaalarma ay hindi ordinaryong tubig ang inihahagis nila sa mga tao, KUNDI tubig na nanggaling sa KANAL. Nagkataon pa na umuulan pa kanina.
Bigla na lang akong natakot at baka mangyari sa akin iyon paglabas ko ng bahay para pumasok sa opisina. Wala daw karapatan magalit ang sinuman kapag binasa ka nila kasi iyon ang tradisyon sa San Juan.
Ang Sa Akin Lang, bakit maruming tubig ang inihahagis nila? Hindi ba nila naisip na baka sakaling magkasakit ang mga tao sa ginagawa nilang kababuyan sa kapwa nila? Ito ba ang tinatawag na tradisyon?
Ang Sa Akin Lang, ang umpisa ng parada ay 7:00 ng umaga at hindi 5:00!!! Sa pagkakaalam ko ang mga taong babasain mo lang AY iyong mga kasama sa parada HINDI IYONG KUNG SINO LANG ANG NAPAGTRIPAN NILA!
Ang Sa Akin Lang, tulad ko na gumising ng sobrang aga para makapasok sa opisina at para maiwasan na mabasa pero sa kagustuhan mong hindi magalit sa kanila pero sa nakita kong ginagawa nila sa tao mapipilitan akong makapagmura sa kanila ng 'di oras.
Buti na lang at may dumaan agad na Taxi at nakasakay ako ng hindi nababasa ng mga taong walang modo at mga taong lasing na walang magawang matino sa Araw ng San Juan.
Huwag sanang samantalahin ng mga tao ang Araw ng San Juan para pagtripan ang mga kapwa nila na halos nagsakripisyo ng maaga para makapasok sa opisina ng maayos.
Kaya ako heto nandito ngayon sa opisina ng 6:45am pero ang oras ng pasok namin ay 10:00 pa. Kaya heto inaantok.
Happy Basaan Festival at sana gawin ng maayos ang tradisyon na ito at 'wag samantalahin para pagtripan ang mga tao!!!
No comments:
Post a Comment