Dalawang taon na akong member ng Fortune Care. It was recommended by my Dad kasi ito rin ang HMO nila. Okey naman, kasi ito ang ginagamit ko sa consultation. Nagamit ko na rin ito sa DLS-STI MegaClinic sa Dermatologist na ginamit ko para ipatanggal ang mga warts ko. Twice ko na rin ginamit for Dental para sa oral prophylaxis.
Nagkataon, na nagipit ako sa budget at hindi ako makakabayad sa June 15 which is the last payment date due before ma-terminate ang contract ko with them. I wrote a letter to their AVP for Credit and Collection for a reconsideration and I promise them to pay on July 15. But, unfortunately it was disapproved. They gave me daw 45 days para ma-settle ang payment ko. Fair enough for me naman pero ano ang magagawa ko kung nagipit ako sa mga nagdaan na araw. And besides, may date naman na nagpromise ako to pay them. Hindi pa ba sufficient iyon? Wala ba silang consideration and besides nagbabayad naman ako on-time noong hindi ako nagigipit. Hindi ba sila marunong tumingin ng records of history of payments; Hindi ba sila marunong tumingin kung capable ang member to continue his membership.
Ang sa akin lang, kapag hindi ka nakabayad sa kanila within their grace period, suspended ang privileges mo maliban sa consultation. Isang buwan lang ang hiningi ko from them. And besides minimal lang ang utilization ko using my Fortune Care healthcard.
Ang sa akin lang, sayang naman ang dalawang taon na ibinayad ko from them. Hindi ba ako mahalaga na member para sa kanila? I thought “Your Wellness is Our Business” , Business nila ang kalusugan mo PERO kapag wala ka ng pambayad it's out of their business Anymore! Wala kang pambayad, TERMINATE ka na!" How sad!
Ang sa akin lang, ano ba ang ipinagmamalaki nila? Nandyan naman ang Maxicare, Medicard, Intellicare and other HMO. They can offer such services na mayron din ang Fortune care and I think mas maganda pa ang services nila for sure.
Well, may magagawa pa ba ako? Kung termination/cancellation na ang desisyon nila. Sayang lang ang ibinayad ko. Sayang ang almost P20,000.00 na payment ko from February 2007 - February 2009.
So it's my time to inquire at Maxicare, Medicard and Intellicare.
Kaya ko ito isinulat dito sa blog ko para malaman ninyo kung may PUSO na marunong makinig at umintindi ang Fortune Care na ito. Hindi sila marunong magpahalaga ng mga members nila. Pinakikinabangan lang nila ang pera mo tapos kapag wala ka ng pambayad "terminate ka na!"
Sunday, June 7, 2009
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
Napakababaw naman ng article mo. Bumili ka at ginamit mo ang serbisyo ng isang pribadong kompanya at dahil di ka makabayad sa renewal ay sisiraan mo? Wala ka bang negosyo mong sarili? Di mo ba alam na may katapat na gastusin ang mga kompanya? Sa tingin mo ba ay may extension yung mga accredited hospitals na ginamit mo? Ang HMO ay hindi banko. Good luck sa Medicard na sinasabi mo. Good luck kung may extension na mabibigay sa iyo. Wag ka sana manira ng kompanya dahil sa sarili mo ring pag kukulang.
ReplyDeleteKuya kahit saang HMO ka magpunta kaylangan bayad ka palagi to continue your benefits. at minsan kahit bayad ka pa nga kung hindi covered yung sakit mo, bale wala din ang cash and time mo. dapat bago talaga pumasok sa ganyan fully understand mo ang terms and conditions.
ReplyDelete