Friday, May 29, 2009

Ang Sa Akin Lang: Living Independently


Sinamantala ko ang Holiday na May 1 para maglipat ng mga gamit ko sa bago kong titirahan. Nuong una, nagdadalawang isip ako kasi parang magastos sa pamasahe. From House sasakay papuntang SM Centerpoint then sakay ulit ng G.Liner going to Robinsons Galleria para makarating sa Ortigas.

Ang hirap maglipat ng mga gamit mas lalo na sa tulad ko na sangkaterba ang mga anik anik. Two balikan na Taxi para makumpleto ko ang paglilipat ko.

Masarap tignan na ang mga gamit mo ay nasa ayos at nakalagay sa dapat kalagyan. Para akong may bagong buhay at bagong haharapin na pagsubok simula ng lumipat ako. Pero para sa akin, ito ay isang paghamon para tumatag ako bilang isang Tao.

NBP Building, along Aurora Blvd. cor. F. Roman st. San Juan M.Mla., nasa 3rd floor ako malapit sa may bintana. Sa baba ay ang Dental Clinic ni Dra. Carmela Isidro. Si Sir Raul naman ang kanyang masugid na asawa. Mababait sila. Malinis naman ang place nila. Maganda naman ang room ko at take note kulay Pink ito (which is my favorite color). Nagkataon lang na sumisikip ang kwarto ko sa kadahilanan na madami pala akong mga gamit.



Minsan, nakakalungkot ang mag-isa. Tanging si Elmo lang ang kasama ko sa kwarto ko. Kapag bumalik ulit ako sa Angono, Rizal parang hindi ko maipakita ang tunayna ako. May mga pretensions at dapat itago. Kaya umalis ako at hinanap ang buhay na kung saan ako sasaya.

Sa ngayon, masaya ako sa mga kasama kong housemates. Si Rudy ang nasa kaliwang kwarto. Siya ang madalas kong nakakausap at minsan kakwentuhan. Kagabi nakilala ko ang mga iba pang housemate ni Dra. Carmela na sina Ronnie, Robinson, Hannah, Angie at her hubby (yata!). Mukhang mababait naman sila. Masayang kasama. May mga plano na swimming at outing pero sana magtagpo tagpo ang mga schedule namin.



Sana tulunga ako ni Lord na minsan 'wag ma-depress.

No comments:

Post a Comment

Followers