Monday, May 18, 2009

Ang Sa Akin Lang: Bawal Magkasakit, Mas lalo na kapag walang Pera

Bawal Magkasakit, Mas lalo na kapag walang Pera

“Health is wealth.” This is an age old wisdom we’ve heard many times before. As the Clusivol multivitamin ad says, “Bawal magkasakit.” This roughly means “sickness is prohibited” or “don’t allow yourself to get sick.” With the rising costs of medication and hospital bills, I couldn’t agree more to that.

Year 2009, hindi maganda ang pasok sa akin ng taon kasi last January nagkaroon ako ng Herpes Zoster. Siguro sa stress sa trabaho at sa environment. According sa doctor na tumingin sa akin, bumaba daw ang Immune system ko. Kaya heto, I take Vitamin B complex aside sa Vitamin C na 2x a day kong maintenance.

Ngayon, month of May, according to Dr. Carlos Zapanta (doctor na rin ng family namin) na magpa-check ako ng Blood sugar ko baka daw kasi mataas ito kaya hindi gumagaling ang sugat ko sa paa.

Nagkataon na naman ulit na wala akong savings. Palibhasa kapag may pera gasta lang ng gasta. Parang wala ng bukas. Hindi ko man lang naisip na baka bukas ay kailangan ko ng pera. Heto ako ngayon, naghahagilap kung sino ang mauutangan. Tanging diyos ang inaasahan ko. Na sana paggising ko bukas ng umaga wala na itong sugat ko.

Ewan ko ba kung bakit hindi ako nadala dala sa mga paulit ulit na pangyayari sa buhay ko. Ilang sugat pa ba ang kailangan para matauhan ako; ilang Herpes Zoster pa ba ang kailangan tumubo sa tadyang ko para bukas ay matuto na akong mag-ipok para sa sarili ko.

Matanda na ako, pero wala man lang akong naiipon sa dinami dami ng kumpanyang napasukan ko na. Puro celfone, mp3 players, at kung ano ano pang gadgets ang una kong inaatupag kaysa sa pangkinabukasan ko.

Kailan ba at hanggang saan para matauhan na ako!!!

Pagod na rin ako sa paulit ulit na scenario sa buhay ko na wala naman nagyayaring makabuluhan sa akin.

Siguro, heto na kapag nalaman ko na mataas ang Blood sugar ko at maging Diabetic na ako. Dito siguro matatauhan na ako. Dahil hindi na biro ito. Wala akong ibang aasahan kundi ang sarili ko. Balang araw, mga magulang ko mawawala na rin sa mundo at balang araw mag-isa na lang ako dahil ang mga kapatid ko may mga kanya kanyang buhay na rin.

Panginoon, kayo na ang bahala sa akin. Kung anuman ang resulta bukas, I deserve it. Kasi nagpabaya ako. Ilang beses na ninyo ako sinubukan, ilang beses ko ng humingi ng tulong sa inyo at tinulungan niyo naman ako PERO heto ganun pa rin ako! walang pinagbago.

Please help me God. Kung hindi ko na maibabalik ang panahon. Sana tulungan ninyo ako na makayanan ang mga darating pang pagsubok ninyo para sa akin.

For the meantime, heto ako nakahiga sa kama. Pa-picture picture na lang. Boring din ang nakahilata maghapon. Nagaantay sa wala. Sawang sawa na ako sa kaka-facebook, blog at YM. Nami-miss ko na ang magtrabaho, ang buhay maynila at buhay na normal. Sawang sawa na ako sa kakapanuod ng Game Ka na ba, Wowowee, Kambal sa Uma, mga palabas sa Cartoons Network at mga reality show sa tv. Nami-miss ko na ang room ko sa NBP Bldg. Namimiss ko na si Elmo. Sana tuluyan na akong gumaling!

Vitamin C, Vitamin B Complex, Charantia, Amplaya Plus. Iyan na ang mga iinumin ko kung sakasakali. Pero tulungan pa rin ako ng Diyos na sana hindi mataas ang Blood Sugar ko.

No comments:

Post a Comment

Followers