Sunday, May 17, 2009

Ang Sa Akin Lang: Fire Drill




Tuwing may Fire Drill nagpapakalat ng Notice ang building namin na sa ganitong araw may magaganap na Fire Drill. Syempre, hindi ako tanga para maghintay ng batingaw at bumaba mula 9th Floor hanggang Ground Floor (Buti na lang nasa 9th floor lang kami paano na kaya iyong mga nasa high zone floor) para lang sumali sa Fire Drill na iyon.

Kaya kapag alam na namin na papalapit na ang oras ng Fire Drill. One hour before, bumababa na kami ng building, kung sabagay nagkataon na lunch break din namin non. kaya hindi na namin kailangan sumali pa sa fire drill. Tumambay na lang kami sa McDo.



Ang napuna ko lang kada may fire drill, ang mga tao parang "wala lang" lumalabas sila ng building ng walang feelings. Gusto ko kapag fire drill dapat hindi alam ng mga tenant ng building para sa ganun makatotohanan ang mga takbo at paglabas sa building.

Tapos kapag nakalabas na ng building may makikita silang signage na: "DO NOT PANIC. THIS IS A FIRE DRILL ONLY!"

Ohh, diba vonggang vongga ang mga tao non. Akala nila may fire iyon pala Fire drill lang. Para makita ng mga tao o maramdaman nila ang tunay na emosyon kapag may sunog. Kaya ang mga iba dyan hindi ALAM ang gagawin kapag nandyan na ang TUNAY NA SUNOG!!!

Kaya ayan, itong nakaraan na Fire Drill walang mga tenant na nagsibaba kasi nagkakatamaran sila. Kahit naman ako eh, kapag alam kong Fire drill lang DEadMa!!!


Try ninyo minsan na magpa-fire drill ng walang abiso para sa ganon mas masarap i-video ang mga lumalabas at tumatakbo sa main lobby.

Happy Fire drill!!!

No comments:

Post a Comment

Followers