Sunday, May 17, 2009

BalikTanaw: APHS Batch 1996



..........dito ko natutunan ang pahalagahan ang mga babae (sabi nga ni Ms. Gloria Cenidoza "kayong mga lalake kapag may lakad kayo at may kasamang babae, iingatan niyo ang mga babae).

..........dito ko natutunan ang "patak-patak" o "bente-bente" na tinatawag. Para lang magkasalo-salo lahat sa kainan. Kung wala kang bente makakasama ka at makakain pa rin kasi ikaw ang magluluto. No one will left behind maliban lang kung isa ka sa tropang bato.

..........dito ko rin natutunan na kapag bumili ka ng Ice at nakarinig ng "scanning" dapat mo pala ibato sa pader ang ice na binili mo.

.........dito ko rin natutunan na mahirap pala magsulat sa pisara habang kinokopya ng mga kaklase mo. Eh paano ba naman maya't maya makakarinig ka ng "ano iyon", "tabi nga dyan", "marami ba iyan", "bukas zipper mo", "wow! bago sapatos mo".

.........dito ko naranasan, mag-meeting ang lahat ng secretary tapos ako lang ang lalake! AnakngP@^&**((*!!!!

.........dito ako natuto magyosi. Sabi kasi sa akin ni Carlito, "Yo dude! Gonna try this one! It's fun!" Ayun, nagyosi na rin ako! Peace out!

To all APHS Batch 96 visit this link to know more about your classmate and batchmate!

No comments:

Post a Comment

Followers